Friday, August 17, 2012

Richard Gomez at Dawn Zulueta ikinasal sa 'Walang Hanggan'


Richard Gomez at Dawn Zulueta
Walang humpay ang usapan ngayon kaugnay ng wedding scenes nina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa phenomenal TV drama sa bansa na “Walang Hanggan.”

Para kina Dawn at Richard, napaka-espesyal ng mistulang ‘sikretong’ kasalan nila sa no.1 TV program dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon ng lumakad sila sa altar.

“Sa ilang pelikula namin, oo kinasal kami. Pero never kaming pinakita na nasa simbahan at kinakasal,” kwento ni Dawn.

“First time ito na mangyayari sa love team namin. Sa movies kasi, sinasabi lang na ikinasal namin tapos honeymoon na ‘yung eksena,” ani Richard na suportado ng buo niyang pamilya sa kanyang teleserye. “Kahit ‘yung anak kong si Juliana avid viewer. Tinatakpan pa ‘yun ears niya at sasabihan ako na ‘daddy, don’t tell me what will happen. I will just watch the show”

Matuloy na kaya ang pinakahihintay na kasalan nina Marco (Richard) at Emily (Dawn)? Abangan sa phenomenal TV drama ng Pilipinas, “Walang Hanggan,” gabi-gabi, pagkatapos ng “Princess and I” sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.walanghanggan.abs-cbn.com, i-like ang http://facebook.com/abs. walanghanggan, o sundan ang @walanghanggan_ sa Twitter.

'The Mistress' Movie 2012 (Star Cinema)

The Mistress Movie (Star Cinema)

Bago, nakagugulat, mapangahas, at pinakamatapang na Bea Alonzo ang tampok sa pinakapinananabikang pagbabalik-tambalan nila at selebrasyon ng 10th anniversary ng love team nila ni John Lloyd Cruz sa latest mature film mula sa Star Cinema na “The Mistress” na ipalalabas na sa mga sinehan sa buong bansa sa September 12.

Ayon kay Bea, ang “The Mistress” ay maituturing na engrandeng pagdiriwang ng 10th anniversary ng love team nila John Lloyd. “Nakakatuwa kasi ang layo na ng narating nung relasyon namin bilang magkatrabaho. Isang dekada na,” ani Bea. “Honestly, bawat project ay iniisip namin baka last na, kagaya ng ‘One More Chance’ at ‘Miss You Like Crazy,’ pero hindi. Kaya sobra po talaga ang pasasalamat namin sa mga naniwala at sumusuporta sa amin sa loob ng 10 taon.”

“Hanggang ngayon, napapatulala pa rin ako kung pano niya dinideliver ang roles niya, he’s such a good actor. Everytime na magkatrabaho kami ni Lloydi parang may sense of familiarity ka yet it’s always refreshing kasi palagi siyang may binibigay na bago, ‘yung talagang mapapasabi ka ng ‘uy bago yun ah,” dagdag ni Bea.

Sa sampung taon nilang samahan ni John Lloyd at sa isang dekada rin niya sa Star Cinema, ang “The Mistress” na raw ang pinakamatapang na proyektong nagawa ni Bea bilang aktres. “Seriously, kinakabahan talaga ako hanggang ngayon. Nagdalawang isip ako noong una kung kaya ko siyang gawin kasi nasanay na ako sa comfort zone ko na ano ako yung regular na mabait na character. By far, ito pinakamatapang na movie ko dahil marami akong ginawa dito na never ko pa nagawa sa teleserye man o pelikula. Mahirap siya, feeling ko aatakehin ako sa puso kada eksena,” paliwanag ni Bea.

Dahil sa maseselang eksena na first time na ginawa ni Bea, laking pasalamat niya sa suporta sa kanya ng kanyang leading man. “Jackpot talaga ako na John Lloyd ang kasama ko sa ‘The Mistress.’ He’s very generous when it comes to giving emotions and giving me reactions sa scenes ko kahit hindi niya shot. He’s very supportive,” aniya. “Mas lalo akong nagpupursige kasi iniisip ko siya nga, he’s on top right now, halos lahat ng award-giving bodies kinilala na siya, pero hindi siya nagkakampante. Madadala ka kapag makikita mo kung paano siya nagko-concentrate, nagre-research, at kung gaano kalaki ‘yung dedication na binibigay niya sa trabaho.”

Sa first-ever ‘bravest’ film nila John Lloyd, baon daw ni Bea ang mga ‘pinagdaanan’ niya sa nakaraang sampung taon. “Baon ko dito ang lahat memories at mga pinagdaanan ko, good times and bad times. Nag-grow ako as an actress dahil sa lahat ng experiences na ‘yun.”

Sa ilalim ng direksyon ni Olivia Lamasan, ang “The Mistress,” ayon kay Bea, ay isang napakagandang ‘imperfect love story.’ Aniya, “Siguro habambuhay kong pagsisisihan kung nag-’no’ ako sa pelikulang ito. Kailangan mo siyang panoorin para madiscover mo na may another form of love, mayroong imperfect love story pero mararamdaman mo it’s a perfect feeling at maintindihan nating may mga bagay na hindi binibigay sa atin para maging happily ever after ang love story natin pero para matuto ka.”

Ang “The Mistress” ay hindi ordinaryong kuwento ng pag-ibigg nina Sari Alfonso (Bea) at JD Torres (John Lloyd) na pinagkrus ang landas sa hindi inaasahang pagkakataon. Ano ang gagawin mo kung ang kaisa-isang babaeng minamahal mo ay pagmamay-ari na ng iba?

Mapapanood na ang “The Mistress” sa mga sinehan nationwide sa September 12, 2012.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa “The Mistress,” mag- log on lamang sa http://www.StarCinema.com.ph/, http://facebook.com/StarCinema at http://twitter.com/StarCinema.

Tuesday, August 14, 2012

'Princess And I Royal Caravan' sa Legazpi dinaluhan ng libu-libong fans

Princess and I

Dinumog ng higit 7,500 Legazpeno sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Khalil Ramos ng hit royal teleserye na “Princess and I” sa ginanap na “Princess and I Royal Karavan” kamakailan sa LCC Parking Lot bilang bahagi ng “Salamat Kapamilya” project ng ABS-CBN Regional Network Group (RNG).

Dumayo ang tatlong young stars upang personal na magpasalamat sa mga Kapamilyang todo ang pagsuporta. Patuloy na nangunguna ang Kapamilya network buong araw sa South Luzon kung saan nakuha nito ang average audience share na 18.8% kumpara sa 8.8% ng GMA at 2.7% ng TV5 base sa datos ng urban at rural audience measurement data ng Kantar Media noong Hulyo. Maging ang primetime ay namamayagpag din dito sa average audience share na 29.2% o triple ng audience share ng Kapuso sa 10% at napakalayong agwat sa 3.7% audience share ng Kapatid. Pati sa daytime, wagi pa rin ang ABS-CBN sa average audience share nitong 13.6% kontra sa 8.2% ng GMA at 2.2% ng TV5.

Sa naturang show, inaliw at pinakinilig ang mga kababaihan nang kantahin ni Daniel ang “Prinsesa” at “Hinahanap-hanap Kita” mula sa kanyang self-titled album habang inawit naman ng Pilipinas Got Talent runner-up na si Khalil ang “Now We’re Together” at “Kung Ako Ba Siya”. Hindi naman nagpahuli si Kathryn sa kanyang awiting “Mula Noon Hanggang Ngayon” at naki-indak din ang mga audience ng kantahin niya ang “Call Me Maybe”.

Nagkaroon din ng on-site selling ng “Princess and I” album ang Star Records na nagbigay ng pagkakataon sa daan-daang Bicolanos na makaupo sa VIP section.

“Napaka-init po ng pagtanggap sa amin ng mga Bicolanos. Salamat po sa inyong lahat at sana ay patuloy niyong suportahan ang Princess and I”, ani Kathryn na gumaganap bilang Mikay sa serye.
Abangan ang susunod na pag-andar ng Kapamilya Karavan sa Naga para sa Penafrancia Festival sa September 8 kung saan dadalo si Coco Martin at iba pang Kapamilya stars. Patuloy na manood sa ABS-CBN para sa mga karagdagang detalye.

Binoe, Angel at Pokwang "Toda Max" ang pagtulong sa kababayan


Hindi nagpatinag sa lakas ng hangin at buhos ng ulan ang mga Kapamilya stars sa pagbibigay nila ng tulong sa ating mga kababayan. Ilan sa mga lakas-loob at buong-pusong namahagi ng tulong ay ang “TODA Max” stars na sina Robin Padilla, Angel Locsin at Pokwang.

Sa kasagsagan ng hagupit ng hanging ‘Habagat’, namili ng mga grocery items si Angel Locsin kasama ang kasintahang si Phil Younghusband para ipamigay sa mga nasalanta. Ayon sa aktres, sa ganitong panahon daw higit na kailangan ang pagtutulungan ng mga Pilipino. “Sana ‘yung mga kayang tumulong sa kapwa, lumabas ngayon ng bahay nila at ipakita sa iba ‘yung pagpapahalaga nila,” ani Angel.

Kasama naman ang asawang si Mariel Rodriguez, hindi inalintana ni Robin Padilla ang malakas na buhos ng ulan para makatulong sa kapwa. Agad na nagluto ng mga pagkain si Binoe upang ipamigay sa mga kapit-bahay sa West Avenue, Quezon City na matindi ring nasalanta. “Kilos mga kabayani, hanggang Biyernes ang ulan,” panawagan pa ng aktor sa iba pang kababayan. Si Pokwang naman ay namigay ng mga damit at pagkain sa “Sagip Kapamilya”.

Samantala, hindi rin maipagkakaila ang pagiging matulungin nina Isabel (Angel Locsin) at Tol (Robin Padilla) sa pamilya’t kababayan sa comedy series na “TODA Max”. Sa lalong lumalalim na hidwaan ng amang si Tatay Mac (Al Tantay) at kasintahang si Justin (Vhong Navarro), sinusubukang tulungan ni Isabel ang dalawa na magkaayos at maging isang pamilya. Masusubukan naman ang pagiging matulungin sa kapwa ni Tol nang magkaroon ng serye ng kidnapping sa eskwelahan ni Ronron (Izzy Canillo).

Huwag palalampasin ang ‘TODA Max’, kung saan makakasama pa si Cristine Reyes bilang ang teleserye-addict social worker na si Joy, ngayong Sabado (Agosto 18) pagkatapos ng “X Factor Philippines” sa ABS-CBN

Kapamilya stars nag-abot ng tulong sa mga biktima ng habagat


Patuloy na nakiisa ang Kapamilya celebrities sa relief operations ng Sagip Kapamilya para sa mga nasalantang biktima ng mga ulan at baha noong nakaraang linggo.

Personal na bumisita ang “ASAP 2012” stars sa Brgy. Talipapa sa Quezon City upang mag-abot ng pagkain at gamot at nagbalot ng relief goods sa Sagip Kapamilya headquarters matapos magbigay-saya sa mga manonood ng programa noong Linggo (Agosto 12).

Talagang naggugol ng panahon ang Kapamilya celebrities at hindi ininda ang pagod makatulong lamang sa mga nangangailangang kababayan, ayon sa program director ng Sagip Kapamilya na si Tina Monzon-Palma sa kanyang panayam sa “Failon Ngayon sa DZMM” noong Martes (Agosto 14).

Nanawagan naman si Tina sa mga estudyante at manggagawang nais mag-abot ng tulong sa mga biktima ng habagat bilang volunteer simula ngayong Lunes (Agosto 20) at Martes (Agosto 21) na idineklara nang holiday. Tumawag lamang sa 411-4995 at hanapin si Jeng Del Rosario para magparehistro bilang volunteer.

Nakalikom na ang Sagip Kapamilya ng kabuuang P20.5 milyon mula sa cash donations at P12.5 milyong halaga naman ng in-kind donations gaya ng bigas, de-lata, biskwit, tubig, damit, kumot, banig, at gamot.

Para sa karagdagang balita tungkol sa latest relief operations ng ABS-CBN Sagip Kapamilya manatiling nakatutok sa ANC (SkyCable ch 27); DZMM TeleRadyo (SkyCable ch 26); DZMM Radyo Patrol 630 sa AM radio; at sa http://www.abs-cbnNEWS.com/.

Tuesday, July 24, 2012

'The Healing' to have 2 versions

The Healing movie poster
In celebration of the Star for All Seasons’ 50th anniversary in showbiz, Star Cinema makes history this year as it releases two versions of Vilma Santos’ much-anticipated first-ever suspense-horror film titled “The Healing,” which will be shown on theaters nationwide this Wednesday (July 25).

Considering the clamor of the young fans of Ate Vi and her co-star Kim Chiu, Star Cinema came up with an R-13 version, or strictly for 13 years old and up, of “The Healing” that carries the same thrill but is appropriate to the age and comprehension of the minors. While the R-18 or the ‘director’s cut,’ meanwhile, is a sure-fire treat to all horror movie fans as it is filled with hair-hairing and mindblowing scenes perfect for adult moviegoers, 18 years old and above.

Under the direction of Master Director Chito S. Roño, Ate Vi’s “The Healing” takes pride with its highly acclaimed powerhouse cast composed of Kim, Janice de Belen, Mark Gil, Martin del Rosario, Jhong Hilario, Allan Paule, Cris Villanueva, Daria Ramirez, Ces Quesada, Ynez Veneracion, Simon Ibarra, Abi Bautista, Joel Torre, Chinggoy Alonso, Mon Confiado, Carmi Martin and Pokwang.

The two versions of “The Healing” opens in cinemas nationwide on July 25, 2012!

JM de Guzman topbills July 28, 2012 MMK episode

JM de Guzma topbills July 28, 2012 MMK episode
JM de Guzman is set to topbill the “Maalaala Mo Kaya” episode this Saturday (July 28, 2012) as he will portray the role of Acmad, a man who fell in love with a beautiful but elusive lady named Flor (Marlann Flores).

Despite Flor’s rejection and harsh treatment, Acmad did not give up and remained driven to win Flor’s heart. Until one day, Flor shocked Acmad when she agreed on living together with him in exchange of P700. How long can a man survive an unrequited love?

Together with JM and Marlann in the “MMK” episode are Cai Cortez, Rey PJ Abellana, Glenda Garcia, Deborah Sun, Shey Bustamante, Franzen Fajardo, Jovic Susim, Kyra Custodio, Ces Aldaba, Jojit Lorenzo, Nikki Javier, and Claire Bercero.

The episode was researched by Akeem del Rosario, written by Maan Dimaculangan-Fampulme, and directed by Rechie del Carmen. Don’t miss another extra-ordinary tale of love in “Maalaala Mo Kaya” (MMK) this Saturday, after “Wansapantaym.”