Tuesday, August 14, 2012

'Princess And I Royal Caravan' sa Legazpi dinaluhan ng libu-libong fans

Princess and I

Dinumog ng higit 7,500 Legazpeno sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Khalil Ramos ng hit royal teleserye na “Princess and I” sa ginanap na “Princess and I Royal Karavan” kamakailan sa LCC Parking Lot bilang bahagi ng “Salamat Kapamilya” project ng ABS-CBN Regional Network Group (RNG).

Dumayo ang tatlong young stars upang personal na magpasalamat sa mga Kapamilyang todo ang pagsuporta. Patuloy na nangunguna ang Kapamilya network buong araw sa South Luzon kung saan nakuha nito ang average audience share na 18.8% kumpara sa 8.8% ng GMA at 2.7% ng TV5 base sa datos ng urban at rural audience measurement data ng Kantar Media noong Hulyo. Maging ang primetime ay namamayagpag din dito sa average audience share na 29.2% o triple ng audience share ng Kapuso sa 10% at napakalayong agwat sa 3.7% audience share ng Kapatid. Pati sa daytime, wagi pa rin ang ABS-CBN sa average audience share nitong 13.6% kontra sa 8.2% ng GMA at 2.2% ng TV5.

Sa naturang show, inaliw at pinakinilig ang mga kababaihan nang kantahin ni Daniel ang “Prinsesa” at “Hinahanap-hanap Kita” mula sa kanyang self-titled album habang inawit naman ng Pilipinas Got Talent runner-up na si Khalil ang “Now We’re Together” at “Kung Ako Ba Siya”. Hindi naman nagpahuli si Kathryn sa kanyang awiting “Mula Noon Hanggang Ngayon” at naki-indak din ang mga audience ng kantahin niya ang “Call Me Maybe”.

Nagkaroon din ng on-site selling ng “Princess and I” album ang Star Records na nagbigay ng pagkakataon sa daan-daang Bicolanos na makaupo sa VIP section.

“Napaka-init po ng pagtanggap sa amin ng mga Bicolanos. Salamat po sa inyong lahat at sana ay patuloy niyong suportahan ang Princess and I”, ani Kathryn na gumaganap bilang Mikay sa serye.
Abangan ang susunod na pag-andar ng Kapamilya Karavan sa Naga para sa Penafrancia Festival sa September 8 kung saan dadalo si Coco Martin at iba pang Kapamilya stars. Patuloy na manood sa ABS-CBN para sa mga karagdagang detalye.

No comments:

Post a Comment