Tuesday, August 14, 2012

Kapamilya stars nag-abot ng tulong sa mga biktima ng habagat


Patuloy na nakiisa ang Kapamilya celebrities sa relief operations ng Sagip Kapamilya para sa mga nasalantang biktima ng mga ulan at baha noong nakaraang linggo.

Personal na bumisita ang “ASAP 2012” stars sa Brgy. Talipapa sa Quezon City upang mag-abot ng pagkain at gamot at nagbalot ng relief goods sa Sagip Kapamilya headquarters matapos magbigay-saya sa mga manonood ng programa noong Linggo (Agosto 12).

Talagang naggugol ng panahon ang Kapamilya celebrities at hindi ininda ang pagod makatulong lamang sa mga nangangailangang kababayan, ayon sa program director ng Sagip Kapamilya na si Tina Monzon-Palma sa kanyang panayam sa “Failon Ngayon sa DZMM” noong Martes (Agosto 14).

Nanawagan naman si Tina sa mga estudyante at manggagawang nais mag-abot ng tulong sa mga biktima ng habagat bilang volunteer simula ngayong Lunes (Agosto 20) at Martes (Agosto 21) na idineklara nang holiday. Tumawag lamang sa 411-4995 at hanapin si Jeng Del Rosario para magparehistro bilang volunteer.

Nakalikom na ang Sagip Kapamilya ng kabuuang P20.5 milyon mula sa cash donations at P12.5 milyong halaga naman ng in-kind donations gaya ng bigas, de-lata, biskwit, tubig, damit, kumot, banig, at gamot.

Para sa karagdagang balita tungkol sa latest relief operations ng ABS-CBN Sagip Kapamilya manatiling nakatutok sa ANC (SkyCable ch 27); DZMM TeleRadyo (SkyCable ch 26); DZMM Radyo Patrol 630 sa AM radio; at sa http://www.abs-cbnNEWS.com/.

No comments:

Post a Comment